It Was My Last Project (Long caption ahead) I thought this was going to be my last project kaya sinabi ko sa sarili ko na I’ll give everything I’ve got, lahat ng natitira sa akin. Not just as an actor, but as someone who truly loves this craft. Sabi ko sa sarili ko, “Bigay ko na lahat, last na ’to eh.” Sa lahat ng katrabaho ko sa buong set during taping, ang daming memories na mamimiss ko. Kasama na ang mga discussion ng lines, minsan napapagalitan din kami hehe, puyat, pagod, mga sugat at pasa, mga tawanan, mga kwentuhan at simpleng bonding moments on set. Salamat! Sa dalawang taon at kalahati ba naman, tinuring ko na rin itong isa pang tahanan. Hindi lang mga artista ang naging inspirasyon ko. Malaki rin ang respeto ko sa buong production team at sa lahat ng directors ko from each unit na nag-handle at gumabay sa akin. Kita ko kung paano nila ginagawa ang trabaho nila nang may puso, tiyaga at dedikasyon mula sa likod ng kamera hanggang sa mismong pagbuo ng bawat eksena. At siyempre, maraming salamat kay Kuya Coco, ang utak at puso ng proyektong ito. Siya ang nagbigay sa akin ng tiwala, at sa kanya galing ang oportunidad na mapunta ako sa ganitong klaseng papel. Isa siyang tunay na kuya para sa akin. Hindi ko malilimutan ang chance na ibinigay niya para gampanan si David Dimaguiba. Sa lahat ng mga taong naapektuhan, nakukuha ng inis hehe hanggang sa napukaw ang puso, thank you so much po! ☺️ This wasn’t just another project, it changed me. I’ll forever carry the lessons it gave me and I hope it gave you something real too. Kaya rin dapat pala lagi natin tratuhin ang bawat proyekto na parang ito na ang huli. Dahil doon lumalabas ang tunay na puso, dedikasyon at pagmamahal sa ginagawa. Now I’m ready for another “It Was My Last Project.” SALAMAT POONG NAZARENO 🙏🏼 Maraming salamat, Batang Quiapo family. Mahal na mahal ko kayo. Mamimiss ko kayo sobra. ❤️ Ngayon, binibitawan ko na po ang character na si David Dimaguiba 🫡