Deserve ko 🥹🤞🏻✨ Noong nagsisimula akong maging content creator year 2021 (pandemic) Pinag for good na namin si papa from abroad kasi delikado na dahil sa c0v!d at bigla din napagdesisyonan naming maglabas ng pick up namin bilang family car at sinamahan ko si mama at papa noong releasing nung unit. Sadly, hindi nila nakayang bayaran ng tuloy tuloy yun dahil nagkaroon kami ng problema in the next year kasi nagkasakit si mama to the point na lahat ng ipon ay napunta sa medications ni mama at syempre nag aaral pa kami ng ate ko non. Naubos talaga lahat. Thank God, buti nalang that time naumpisahan ko namang madiscover kung paano kumita bilang isang content creator and endorser na nagsisimula palang. Literal na pandemic boomer baby. Hindi man kalakihan kinikita ko non ay syempre thankful ako kasi dahil don naisalba ko yung sasakyan namin. Sabi ko sa sarili ko parang kapag natapos kong hulugan yun, gift ko na yun sa papa ko kasi alam kong deserve niya yun. Dahil bukod sa naging partner ko siya sa mga contents ko all throughout na makilala ako sa soc med as someone na kilala niyong entertainer (kahit na nabanned main account ko na 3m 🥲) eh pinakita niya mula pagkabata kung anong ideal na klase ng tatay; sobrang sipag, hands on at hindi niya iniwan si mama noong kailangang niya ng taong magsisilbing mga paa niya. Going back, hindi man nakapangalan sakin yung sasakyan na kinuha nila, naging masaya ako dahil nakatulong ako sa pang hulog buwan buwan. Apat na taon ang lumipas, natapos yung bayarin. May mga naabot pang ibang goal 🥹 Kasabay nitong panahon din na to e unti-unti akong natutong mag-ipon din para sa sarili ko naman. Thank God, dahil umayon na yung ipon ko nakabili nga ako ng personal kong sasakyan at hindi na ito hulugan. Hindi ito agarang dumating, at hindi rin naging madali ang proseso ng pag abot ko nito. May mga biglaang nakakapanlumong karanasan na nangyari pero pilit na kinaya at bumangon muli. Sa tulong ng tiyaga, tiwala sa sarili, suporta ng mga taong naniniwala sa akin at sa guidance ng mga magulang ko, natupad ko. Just a cliche reminder, pero gusto ko lang ipaalala sa sarili ko at ishare sa mga taong naiinspire ko na kahit gaano pala kahirap yung mga dadaanan mo sa buhay basta hindi ka sumusuko sa bawat hadlang, darating din yung para sayo. Tulad ko, kaya mo rin! Unti unti lang. 🥹 🙌🏻 #fypシ゚ #foryoupage #toyotayariscrosshybrid #yariscross