Ibinahagi ni Sen. Bong Go ang isang video sa social media kung saan kumakain ng pananghalian si dating pangulong Rodrigo Duterte na lulan ng isang chartered plane patungong The Hague, Netherlands. #abscbnnews #fyp #news 🎥: Sen. Bong Go
PAGSALUDO KAY ATE GUY. Isang opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines ang sumaludo sa mga labi ni Superstar Nora Aunor na nakalagak sa The Heritage Park. #abscbnnews #fyp #news via Lyza Aquino, ABS-CBN News
Idineretso ng isang lalaki ang minamanehong motorsiklo sa loob ng Taal Basilica sa Batangas, nitong Martes, Abril 8, 2025. Ipinarada niya ang motorsiklo sa tapat ng altar, umupo sa upuan ng pari, itinaas ang mga paa, at pumalakpak pa. Ayon sa Taal Municipal Police Station, hawak na nila ang lalaki matapos ireklamo ng simbahan. Patuloy nilang iniimbestigahan ang insidente. (🎥: Contributed) | via Christopher Sitson, ABS-CBN News #ABSCBNNEWS #fypツ #NEWS
Vlogger Viy Cortez introduces her second child, Tokyo Athena, to her fans online. Cortez recently gave birth to her second child with Cong TV. (📷: Cortez/ Instagram) #abscbnnews #fyp #news
MAY SNOW NA SA PINAS? Napagkamalang snow ng ilang residente ng Montalban ang mga bulaklak ng talahib na tinangay ng hangin noong Linggo, Abril 13, 2025. #abscbnnews #fyp #news
Hindi pa lubusang matanggap ni Emir Shun Añonuevo ang sinapit ng ina at kapatid na kabilang sa mga nasawi sa karambola ng mga sasakyan sa SCTEX Tarlac Toll Plaza. Kwento niya, pupunta lang sana sa children's camp sa Pangasinan ang kanyang mga kaanak. | via Christopher Sitson, ABS-CBN News #abscbnnews #fyp #news
(As of 6:30 a.m., Saturday) Mahigit 13 oras nang inaapula ang sunog sa isang pabrika sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City. | #SelfiePatrol ni Kaxandra Salonga #abscbnnews #fyp #news
MGA 'DI MALILIMUTANG TAGPO SA PAGBISITA NI POPE FRANCIS SA PILIPINAS Espesyal para sa maraming Pilipino ang naging pagbisita ni Pope Francis sa bansa lalo na't nangyari ito matapos ang trahedyang dulot ng super typhoon Yolanda. Ngayong nagluluksa ang buong mundo sa pagpanaw ng minamahal na Santo Papa, balikan ang mga 'd malilimutang tagpo kasama si Lolo Kiko. #abscbnnews #fyp #news
Sugatan ang isang 17 anyos na lalaki matapos niyang mabaril ng pen gun ang sarili sa Tondo, Maynila madaling araw nitong Lunes, Marso 3, ayon sa Manila Police District. Sa inisyal na imbestigasyon, humingi ng tulong ang sugatang menor de edad at kasama nito sa mga pulis na nakatalaga sa Comelec checkpoint sa bahagi ng Jose Abad Santos Avenue kanto ng Padre Algue St sa Tondo. Nagsumbong ito na nabaril umano siya ng mga sangkot sa riot sa lugar at ipinakita pa nito ang duguan niyang kanang kamay. Agad siyang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa medical treatment. Subalit, sa follow-up investigation at backtracking ng CCTV footage ng Moriones-Tondo Police Station sa Bgy. 242, Zone 23, lumalabas na ang suspek ang nakabaril sa sarili niya. Sa taranta, naiwan ng mga ito ang pen-gun sa lugar. Narekober naman sa crime scene ang improvised firearm na nakabalot ng itim na electrical tape. May karga rin itong hinihinalang bala ng kalibre 38. Sasampahan ng reklamong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines ang mga suspek. | via Jeff Caparas, ABS-CBN News (📹: Courtesy of MPD) #abscbnnews #fyp #news